ti - plain for ti2x
guru (gooroo) - from Hindi guru meaning teacher, mentor; attracts disciples or followers.
use it as a sentence: pare, palagi nalang bakti ha, guru lagi gagalit...
beating the wall
Thursday, August 23, 2007 Thursday and its tennis time napaaga ang dating namin sa court tamang tama wala pang katao tao kami palang, kahit na napaka init eh sabak agad kami sinubukan agad namin sa court, pagkakataon namin mag praktis lumipad man ang bola eh hindi nakakahiya kasi wala namang nakakakita kundi kami lang. Sobrang naubos ang lakas ko sa sobrang init ng araw kaya tumigil na muna kami matapos ang 30mins na laro, novice palang syempre kaya hindi pa gaanong marunong, nagsi datingan na ang mga marurunong mag laro pahinga muna kami, kakainggit nga yung isang player dun kala mo model ng adidas mula ulo hanggang paa eh branded ang suot samantalang ako eh short na nahuhubo ang suot ko, paano nakalimutan ko yung belt ko kaya kada palo eh syang taas ng short ko. nung na occupied na ung court nagwalling muna kami, napagod ako ng husto tagaktak ang pawis at nabawasan ang cholesterol ko, ang hirap palang mag praktis sa walling lalo na kapag palaging lumilipad ang bola mo sa kabilang tennis court. ang nakaka inis pa eh yung net sa pinaka tuktok ng wall eh butas kaya lumulusot dun yung mga bola ko akala ko kasi pataasan ng lipad ng bola ang pina praktis ko naisip ko nag tetenis pala ako, ang layo pa naman ng lalakarin bago mo makuha ang tennis ball. buti nalang merong isang senior dun na tinuruan kami ni Dex "kasama kong nag papraktis na gigil na gigil kung pumalo sa bola" kung paano ang tamang pag palo ng bola, hindi daw basta palo ka ng palo kailangan daw eh i swing mo ng maigi yung braso mo at tsempohan ang paparating na bola sa iyo. isa pang tip nya eh dapat daw maganda kang pumorma sa pagpalo ng bola kapag back hand dapat alalayan mo ng isang kamay para nga namang mukhang professional ang dating. kasi daw kapag single hand ka lang pumalo eh panget daw tingnan at mukha ka daw palaging nakaka tsamba. salamat sa tip ni manong.






